5.2 magnitude lindol yumanig sa Metro Manila, Central Luzon

Ayon sa Phivolcs, naramdaman ito bandang alas-12:14 ng tanghali. Natukoy ang epicenter sa 23 km timog kanluran ng San Antonio, Zambales at may lalim itong 25 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
File Photo

MANILA, Philippines — Niyanig ng 5.2 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Central Luzon, Metro Manila at mga karatig na lugar, kahapon.

Ayon sa Phivolcs, naramdaman ito bandang alas-12:14 ng tanghali. Natukoy ang epicenter sa 23 km timog kanluran ng San Antonio, Zambales at may lalim itong 25 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Wala namang naitalang pinsala sa mga nayanig na lugar. Hindi rin naka-monitor ng aftershocks ang Phivolcs.

Malaking parte naman ng Metro Manila ang nakaramdam ng intensity II at III kaugnay ng naturang lindol.

Samantala, intensity III sa Olongapo, Zambales; intensity II sa Guagua, Pampanga; intensity I sa Malolos City, Bulacan at Dagupan City, Pangasinan.

Show comments