Andanar exempted, puwedeng mangampanya
MANILA, Philippines — Sa kabila ng kautusan ni Pangulong Duterte sa mga miyembro ng Gabinete na bawal mangampanya, hindi naman kasama sa mga pinagbabawalan si Presidential Communications Secretary Martin Andanar.
Mismong ang Pangulo ang nagsabi na may basbas niya ang pagdalo ni Andanar sa campaign rally ng PDP-Laban sa San Juan City bilang proxy ni senatorial candidate Bong Go.
Ayon sa Pangulo, mahalaga ang “guidance” ni Andanar sa lahat ng miyembro ng PDP-Laban lalo pa’t anak ito ng isa sa mga nagtatag ng partido.
“His (Andanar) guidance is very important to all of the PDP-Laban members. He’s a son of one of the founding fathers of PDP-Laban. And there are only few of them left,” sabi ng Pangulo.
Sinabi rin ng Pangulo na bagaman at maaari namang mangampanya ang mga miyembro ng Gabinete, hindi niya pinayagan ang iba dahil gagamitin nila ang resources ng gobyerno.
“That is why he was an exception. But the law says they can campaign. I did not allow the other members because they will be campaigning if they want to and they will be using government cars, government fuel. And I wanted to remove that kind of issue just to be fair,” dagdag ng Pangulo.
Nauna ng sinabi ni Andanar na may basbas ng Pangulo ang pagdalo niya sa campaign rally.
Ipinaalam din umano ni Bong Go kay Andanar na alam ng Pangulo ang pangangampanya nito sa San Juan.
- Latest