Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG ) Secretary Eduardo Año, nakatanggap sila ng intelligence report na hawak ng grupo ni Abu Sayyaf Group Commander Hatib Hajan Sawadjaan ang 10 anyos na batang babae.
10-anyos anak ng Indon bombers hawak ng Jolo blast mastermind
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa pangangalaga umano ng itinuturong mastermind sa malagim na Jolo Cathedral bombing ang 10-anyos na anak ng mag-asawang Indonesian suicide bomber.

Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG ) Secretary Eduardo Año, nakatanggap sila ng intelligence report na hawak ng grupo ni Abu Sayyaf Group Commander Hatib Hajan Sawadjaan ang 10 anyos na batang babae.

Ayon sa Kalihim na hindi malayong nais ding sanayin bilang suicide bomber ang nasabing bata.

Si Sawadjaan ang itinuturong utak sa pagpapasabog sa Our Lady of Mount Carmel Church sa Jolo, Sulu noong ­Enero 27 na ikinasawi ng 23 katao at ikinasugat ng 100 pa.

Ayon kay Año ay pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad ang nasabing batang babae dahil ito ang magsisilbing susi kapag nai-match ang DNA nito sa sample ng mag-asawang bombers na narekober ang nagkadurug-durog na katawan sa blast site.

Kamakalawa ay inamin ng PNP na tapos na ang resulta ng DNA test at walang nag-match sa mga parte  ng nadurog na katawan kaya kailangan makita ang nasabing bata para i-match ito sa narekober na apat na mga putol na paa ng hinihinalang suicide bombers.  

EDUARDO AñO JOLO CATHEDRAL BOMBING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with