Bagama't seasonal, libu-libo ang namamatay mula sa influenza epidemic taun-taon ayon sa World Health Organization.
File
'Killer cells' posibleng gamitin sa universal flu vaccine
(philstar.com) - February 19, 2019 - 7:24pm

MANILA, Philippines — Nakadiskubre na raw ang mga siyentista ng "immune cells" na kayang lumaban sa lahat ng uri ng flu viruses, na maaaring magresulta sa isang universal, one-shot vaccine laban sa nakamamatay na sakit.

Bagama't seasonal, libu-libo ang namamatay mula sa influenza epidemic taun-taon ayon sa World Health Organization.

Dahil sa mutation na nagaganap sa mga strain nito, kinakailangang baguhin maya't maya ang formula ng mga bakuna at nagbibigay lamang ng limitadong proteksyon.

"Influenza viruses continuously mutate to evade recognition by our immune system, and they are vastly diverse, making it nearly impossible to predict and vaccinate against the strain that will cause the next influenza pandemic," sabi ni Marios Koutsakos, researcher sa Doherty Institute ng University of Melbourne.

Sinabi ng mga mananaliksik sa Australia na nakita nilang epektibo ang mga "killer T cells" sa paglaban sa lahat ng karaniwang trangkaso.

Natatagpuan raw ang naturang cell sa halos kalahati ng kabuuang populasyon sa mundo.

Dahil dito, posible raw na makabuo ng "all-encompassing" flu shot na hindi kinakailangang palitan taun-taon. 

Ang mga T cells ay uri ng white blood cell na lumalagi sa katawan para suriin ang mga abnormalidad at impeksyon. Mahalaga ito sa resistensya ng katawan laban sa iba't ibang uri ng bacteria at viruses.

Kakaiba raw ang mga naturang "killer" T cells dahil kaya nitong direktang patayin ang mga infected cells.

Gumamit sina Koustsakos at kanyang mga katrabaho ng mass spectrometry — isang scanning technique na naghihiwalay ng molecules batay sa kanilang bigat — para malaman ang mga bahagi ng virus na naipapasa sa lahat ng flu strains.

Dahil dito, napagtanto nilang mabisa ang killer T cells laban sa iba't ibang variation ng influenza A, B at C.

Peligroso ang naturang sakit lalo na sa mga nakatatanda, bata at mga may nakompromisong immune system. Delikado rin ito sa ilang ethnic groups na hindi pa nakakabuo ng immune responses sa flu.

Nakakuha na ng patent ang grupong nasa likod ng research at sinabing umaasa silang makagagawa ng universal influenza vaccine na makababawas sa epekto ng pandemic at seasonal influenza sa mundo.

INFLUENZA VACCINE WORLD HEALTH ORGANIZATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with