^

Bansa

LGUs inatasan sa tarpaulin

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
LGUs inatasan sa tarpaulin
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, hindi nila pinapahintulutan ang mga pulitiko na gamitin ang mga government properties para sa kani-kanilang plataporma at kampanya.

MANILA, Philippines — Inatasan ng pamunuan ng Department of the Interior and Local Government ang lahat ng Local Government Units (LGUs) na tanggalin ang mga nagkalat na tarpulin at iba pang campaign materials na inilagay sa mga government facilities, properties at mga sasakyan ng gobyerno.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, hindi nila pinapahintulutan ang mga pulitiko na gamitin ang mga government properties para sa kani-kanilang plataporma at kampanya.

Ipinaalala ni Año ang Section 261 ng Omnibus Election Code na nagbabawal sa paggamit ng public funds at iba pang pasilidad na pag-aari ng gobyerno.

Anang DILG chief, ang sino mang  LGUs na lumabag sa ‘rules on poll prohibitions’ ay mahaharap sa kasong kriminal at administratibo na posibleng ikatangggal sa serbiyo.

Maging ang pag-endorso, pag-promote ng isang LGU at isang empleyado ng gobyerno na tinatawag na ‘partisan political activities’ ay ipinagbabawal din sa batas.

Layunin ng DILG na magkaroon ng patas, malinis at makatotohanang halalan sa Mayo.

vuukle comment

CAMPAIGN MATERIALS

LOCAL GOVERNMENT UNITS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with