Ito ay base sa pina­ka­huling survey na isi­nagawa ng Social Wea­ther Station noong Dis­yembre 16 hanggang 19 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa nasa 1,440 respondents sa buong bansa.
Ito ay base sa pina­ka­huling survey na isi­nagawa ng Social Wea­ther Station noong Dis­yembre 16 hanggang 19 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa nasa 1,440 respondents sa buong bansa.
Miguel De Guzman/File
SWS: Drug users nabawasan
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mayorya ng mga Fili­pino ang nagsabi na konti na lamang ang mga gumagamit ng droga sa kanilang lugar sa huling quarter ng 2018.

Ito ay base sa pina­ka­huling survey na isi­nagawa ng Social Wea­ther Station noong Dis­yembre 16 hanggang 19 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa nasa 1,440 respondents sa buong bansa.

Nasa 66 porsiyento ang nagsabi na nabawasan ang bilang ng drug users sa kanilang lugar samantalang nasa 14 percent lamang ng res­pondents ang nagsabi na dumami ang drug users at nagtutulak ng droga. Pitong (7) porsi­yento naman ang nagsabi na pareho pa rin ang bilang.

Nasa 83% ng res­pondents mula sa Mindanao ang nagsabi na nabawasan ang mga adik sa kanilang lugar, sinundan ng Visayas na 71%, Metro Manila, 67% at Luzon 54 porsiyento.

Sinimulan ng SWS ang kanilang quarterly surveys tungkol sa drug addiction noong 2017 matapos ilunsad ni Pa­ngulong Duterte ang kampanya laban sa iligal na droga.

Lumabas din sa pi­nakahuling survey na 95 porsiyento ng mga res­pondents ay naniniwala na mahalagang mahuli ng buhay ang mga drug suspects.

Limang porsiyento lamang ang nagsabi na hindi importanteng mahuli ng buhay ang mga suspek.

DRUG WAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with