^
Vaccination site sa fastfood
Bukod pa ito sa pagbabahay-bahay ng mga government health workers para i-alok ang programa sa libreng bakuna sa mga health centers.
Boy Santos

Vaccination site sa fastfood

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2019 - 12:00am

Ilalagay ng DOH

MANILA, Philippines — Maglalagay na rin  ang Department of Health-CALABARZON ng mga measles vaccination sa mga simbahan at mga fast food restaurants.

Bukod pa ito sa pagbabahay-bahay ng mga government health workers para i-alok ang programa sa libreng bakuna sa mga health centers.

Ayon kay DOH Region 4-A Director Eduardo Janairo, layunin ng nasabing hakbang ang mapigilan ang pagkalat ng measles o tigdas lalo na sa Calabarzon.

Aniya, istratehikong lugar ang mga simbahan at mga fast food chains dahil madalas itong puntahan ng mga magulang at mga bata.

Dagdag ni Janairo, nagpadala rin sila ng sulat sa mga simbahan para pakiusapang basahin ang mga paalala ng DOH hinggil sa tigdas pagkatapos ng misa at sa iba pang aktibidad ng simbahan.

Sa pinakahuling tala ng DOH-Calabarzon, aabot na sa 972 ang kaso ng tigdas sa rehiyon, 25 dito ang nasawi.

Samantala, kabilang ang mga Dengvaxia im­plementing areas sa mga apektado ng measles outbreak.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, ang Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, NCR at Central Visayas ang may pinakamakataas na kaso ng tigdas.

Ang mga naturang lugar aniya ay Dengvaxia-implementing regions at mayroon ding mababang immunization rates o ka­unti ang mga nabigyan ng kahit anong bakuna tulad ng anti-measles vaccine.

Marami anyang magulang sa mga nabanggit na rehiyon ang natakot na pabakunahan ang kanilang mga anak dahil sa epekto ng kontrobersya sa Dengvaxia.

Sa ngayon ay nasa  4,300 na ang tinamaan ng tigdas kabilang ang 70 namatay simula Ene­ro 1.

Tiniyak naman ng DOH na sapat ang suplay ng bakuna sa tigdas sa bansa.

MEASLES VACCINATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with