Chinese maritime militia fleet malapit sa Pag-asa Island na kuha noong ika-20 ng Disyembre 2018.
Asia Maritime Transparency Initiative
'Pinas nag-construct sa Pag-asa Island; China nagpadala ng pwersa
James Relativo (Philstar.com) - February 8, 2019 - 12:07am

MANILA, Philippines — Bilang tugon sa pagtatayo ng panibagong beaching ramp sa Pag-asa Island (Thitu) ng Pilipinas, nagpadala ng sari-saring vessels ang Tsina 12 nautical miles sa timog-kanluran ng isa.

Sa mga satellite images na inilabas ng Asia Maritime Transparency Initiative, makikita ang ilang barko ng People's Liberation Army-Navy, China Coast Guard, kasama ang ilang fishing vessels na may 30 hanggang 70 metrong haba.

Nakita ng AMTI na lumobo ang bilang ng Chinese vessels malapit sa Pag-asa bago magtapos ang 2018.

"In five subsequent satellite images captured from mid-December to late January, their numbers fluctuate, reaching a high of 95 on December 20 before dropping to 42 by January 26," banggit ng AMTI sa kanilang website.

Noong ika-4 ng Pebrero, binanggit ni Department of National Defense Sec. Delfin Lorenzana na matatapos ang construction ng panibagong beaching ramp sa maagang bahagi ng 2019.

Isa ang Pag-asa sa siyam na features na ino-okupa ng bansa sa Spratlys Islands na tinitirahan ng daan-daang Pilipino.

Ngunit banggit ng AMTI, tila hindi lang basta beaching ramp ang nais itayo ng Pilipinas doon.

"More recent imagery from January 11 and 26 of this year show that the reclamation work is more ambitious than a simple beaching ramp. Both images are partially obscured by clouds, but they reveal excavators depositing sand over an area of approximately 8 acres, or more than 32,000 square meters, to the north of the existing causeway."

Sa mga imahen na nakuha noong ika-11 ng Enero makikita ang mga pinaghihinalaang Type 056 corvette at Type 718B cutter malapit sa isla.

Sabi ng AMTI, posibleng nabawasan ang Chinese vessels nitong huli dahil hindi nito napigilan ang pagtatayo at repair works ng Maynila.

"The drop in the number of government vessels, mirroring the reduction of the militia presence, suggests Chinese forces have settled into a pattern of monitoring and intimidation after their initial large deployment failed to convince Manila to halt construction," dagdag nila.

'Tsina pananakot ang layon'

Umani naman ng batikos ang maniobra ng Tsina mula sa international observers.

Ayon kay Anders Corr, isang international political risk analyst, ginagawa ito ng Beijing upang takutin ang claimants tulad ng Pilipinas.

"The Philippines wants to upgrade its facities on Thitu Island in the South China Sea. This is within the Philippines' claimed exclusive economic zone and far from China. In response, China has surrounded the island with dozens of maritime militia, coast guard and naval vessels, in a blatant attempt at intimidation," ayon kay Corr.

Matagal nang kontrolado ng Pilipinas ang isla. 

Itinatag ng bansa ang munisipalidad ng Kalayaan sa Pag-asa noong ika-11 ng Hunyo taong 1978 sa bisa ng Presidential Decree 1596 series of 1978. 

Nagsisilbi ang isla bilang town proper ng Kalayaan.

"The Philippines has occupied the island since 1974. The Philippines has a right to build on that island," dagdag niya.

Inudyok naman ni Corr na ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na makipagkaibigan na lang sa mga ibang bayan kung nais nitong mapanatili ang hawak sa teritoryo.

Kilalang malapit si Digong sa presidente ng Tsina na si Xi Jinping, na pumunta sa bansa noong 2018 para sa isang state visit.

"If the Philippines wants to retain its South China Sea exclusive economic zone, including all the fish, oil, and gas to be found there, it should immediately turn its back on China and seek closer cooperation with friendly democratic countries like the US, Japan, Australia, and South Korea."

US tutulong o hindi?

Mahaba ang kasaysayan ng pakikipagkaibigan ng Pilipinas at Estados Unidos, pero sa ilalim ng 1952 Mutual Defense Treaty, walang automatic retaliation clause na mag-oobliga sa Amerika na tulungan ang bansa oras na mapasok ito sa gera.

Sa kanyang pahayag noong 2014, sinabi ni Communist Party of the Philippines founding chairperson Jose Maria Sison na walang mahihita ang Pilipinas sa patuloy na pagdikit sa mga Kano.

"The US has used this treaty as the basis for the Visiting Forces Agreement and for the escalation of US military intervention in the Philippines.  But in case of attack from any foreign power, the Philippines has no basis for expecting  or demanding automatic retaliation from the US," ani Sison.

Aniya, pinapayagan lang ng tratado na gumalaw ang US sa sarili nitong domestic interest. Hindi raw ito sasaklolo kng magkagulo.

Nakatakdang i-review ang MDT ayon sa suwestyon ni Lorenza upang maklaro ang posisyon ng US sa giriian, bagay na sinang-ayunan naman ni US Ambassador to Manila Sung Kim.

"The circumstances surrounding the agreement on our alliance evolves so we would welcome taking a close look at the treaty to see whether we can make any adjustments to make even better what it is now," sabi ni Kim sa mga reporters sa isang forum sa Makati City.

CHINA PAG-ASA ISLAND SOUTH CHINA SEA WEST PHILIPPINE SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with