Pinatawan ng parusang kamatayan ang 39-anyos na Filipina household service worker matapos mahatulan ng guilty dahil sa salang pagpaslang.
Facebook/Department of Foreign Affairs
'DFA tried very hard to help' — Panelo sa binitay na OFW
James Relativo (Philstar.com) - January 31, 2019 - 3:37pm

MANILA, Philippines — Nakiramay ang Malacañang sa nangyaring pagbitay sa isang Pinay sa Riyadh, Saudi Arabia noong Martes.

Pinatawan ng parusang kamatayan ang 39-anyos na Filipina household service worker matapos mahatulan ng guilty dahil sa salang pagpaslang.

"We condole with the family. But we tried. The DFA (Department of Foreign Affairs) tried very hard to help," sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo ngayong araw sa isang press briefing.

Ayon sa tagapagsalita ng DFA na si Elmer Cato, nanindigan ang Saudi Supreme Judicial Council na hindi sakop ng "blood money" ang kanyang kaso sa ilalim ng Islamic Shariah law.

Nakikidalamhati ang DFA at sinabing ikinalulungkot nila na hindi nila nailigtas ang buhay ng overseas Filipino worker.

"The Department has informed the next of kin who have requested for privacy during their time of bereavement," ani Cato.

Hindi naman daw nagpabaya ang gobyerno sa kaso ng Filipina at sinabing ginawa nila ang lahat para makatulong.

"Our government extended help to this Filipino. We provided lawyers, or a lawyer for her. We gave regular updates to the family," dagdag ni Panelo.

"It's just unfortunate that this particular case, the Shariah law does not apply, where blood money can be a reason to stop the execution."

Isyu ng death penalty

Sa gitna ng pagbitay, nagpahiwatig naman si DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. ng kanyang disgusto sa death penalty sa kanyang Tweet kanina.

Aniya, trabaho ng pamahalaan na buhayin at hindi patayin ang kanyang mga nasasakupan.

"This is why we cannot adopt the death penalty; we lose the argument of respecting our culture which abhors the taking of a human life by a cold formal state justice system when we believe that a state exists to protect life," sabi ni Locsin.

Matagal nang nananawagan ang Pangulong Rodrigo Duterte na maibalik ang death penalty sa bansa para sa mga karumal-dumal na krimen.

Noong 2016, sinabi ni Digong na mas mahalaga ang buhay ng mga pinapatay at hinahalay kaysa sa mga kriminal na nalululong sa ipinagbabawal na gamot.

Ibinasura ang parusang kamatayan sa ilalim ng pamumuno ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2006 nang aprubahan ang Republic Act 9346.

DEATH PENALTY DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS OVERSEAS FILIPINO WORKER SAUDI ARABIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with