5,104 patay sa drug war

MANILA, Philippines — Umaabot na sa mahigit 5,000 drug personalities ang napatay sa anti-drug war ng gobyerno simula ng manungkulan sa puwesto si Pangulong Duterte.

Sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency, sinabi ni PDEA spokesman Derrick Carreon na 5,104 ang na­patay matapos manlaban sa anti-drug operatives.

Sa buong panahon nitong Disyembre 2018 ay nasa 54 ang napatay na drug suspects.

Nasa 167,135 drug personalities naman ang nasakote hanggang Dis. 31, 2018 at 117,385 ang nailunsad na mga ope­rasyon.

Kabilang sa mga na­aresto ang 282 emple­yado ng gobyerno, 262 ha­lal na opisyal at 67 mula sa law enforcement agencies kabilang ang mga tiwaling pulis.  

Show comments