Mock elections payapa – Comelec
MANILA, Philippines — Naging matagumpay ang idinaos na mock elections kahapon sa 60 lugar sa bansa.
Ginanap ito bilang bahagi ng paghahanda sa parating na 2019 midterm elections sa Mayo.
Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, isinagawa ang nasabing aktibidad sa Quezon City, Maynila, Pasig, Taguig, Pateros, Valenzuela, Muntinlupa, Pangasinan, Cagayan, Sorsogon, Camarines Sur, Cebu, Bohol, Zamboanga del Norte, Davao del Sur, South Cotabato, Sulu at Basilan.
“So far, itong mock elections is proceeding very smoothly, we are seeing a good mix of insights coming in from the observers on the ground. Hindi sya nagiging perfect in all cases which is exactly how we wanted it to be, because that’s what we expect to see on election day,” ani Jimenez.
Layunin anya nitong matiyak ang security features, accuracy at functions ng mga gagamiting makina para maiwasan ang problema kapag sumapit na ang tunay na takdang araw ng halalan.
Masasabi rin na “90 percent ready” na ang Comelec at may apat na buwan pang nalalabi para sa paghahanda.
Kabilang na rin dito ang preparasyon sa logistics, o ang mga gagamiting balota, bagamat hindi pa umano nai-imprenta.
- Latest