2 puno kada sanggol

Ito ay sa sandaling tuluyang maisabatas ang House Bill 8727 o ang Family Tree Planting Act na pinagtibay na ng Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa sa botong 208 unanimous vote.
Cesar Ramirez

MANILA, Philippines — Oobligahin na ang mga magulang na magtanim ng dalawang puno sa bawat sanggol na isisilang sa kanilang pamilya.

Ito ay sa sandaling tuluyang maisabatas ang House Bill 8727 o ang Family Tree Planting Act na pinagtibay na ng Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa sa botong 208 unanimous vote.

Layon ng panukala na makapagtakda ang pamahalaan ng mga polisiya na magpoprotekta sa karapatan ng mga Pilipino na magkaroon ng isang bansa na malusog ang ekonomiya.

Sa ilalim ng panukala, itatanim ng mag-asawa ang puno sa kanilang bakuran o sa lugar na itatalaga ng kanilang barangay council na inaprubahan din ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Nakasaad din sa House bill 8727 na ibibigay lamang ng City o Municipal Local Civil Registry ang Certificate of Live Birth ng bata kapag nakapagtanim na ng puno ang mga magulang nito.

Samantala, inaprubahan na rin sa plenaryo sa botong 208 at walang pagtutol ang House Bill 8728 o ang Graduation Legacy for the Environment Act na nag-oobliga sa lahat ng mga estudyanteng magtatapos sa elementarya, high school at kolehiyo na magtanim ng hindi bababa sa 10 puno bilang pre-requisite para maka-graduate.

Show comments