Pamilya ni SPO1 Diaz tutulungan ni Digong

Tiniyak din ni Pangulong Duterte, na gobyerno ang babalikat sa pagpapa-aral sa mga anak ng napatay na police escort ni Batocabe sakali mang ito’y may naiwang anak habang tiniyak din ng Presidente na pagkakalooban ng pabahay ng pamahalaan ang naiwang kabiyak ni SPO1 Diaz.

MANILA, Philippines — Siniguro ni Pangulong Duterte sa naiwang mga mahal sa buhay ni SPO1 Orlando Diaz na police escort ng pinaslang na Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe na hindi nito pababayaan ang pag-aaral at sasagutin ang edukasyon ng naiwang mga anak nito.

Tiniyak din ni Pangulong Duterte, na gobyerno ang babalikat sa pagpapa-aral sa mga anak ng napatay na police escort ni Batocabe sakali mang ito’y may naiwang anak habang tiniyak din ng Presidente na pagkakalooban ng pabahay ng pamahalaan ang naiwang kabiyak ni SPO1 Diaz.

“Let me give you this assurance that the schooling of your children, if you are married, will continue, that government will spend for their education and pagka walang --- wala ka pang bahay, kung merong mga housing projects ang… Meron ba dito? Mga NHA project? Kung wala, we’ll provide you with a decent home,” pahayag ni Pangulong Duterte sa media interview sa Daraga, Albay kamakalawa ng gabi matapos dumalaw sa burol ng pinaslang na kongresista.

At kung wala aniyang trabaho ang asawa ni SPO1 Diaz, sinabi ng Pangulo na makipag-ugnayan lang ito sa DILG upang mabigyan ng trabaho kasunod ng pagkakapaslang sa PNP personnel.

Personal na iginawad ni PNP Chief General Oscar Albayalde sa asawa ni Diaz na si Judy ang Medalya ng Kadakilaan at tulong pinansiyal dito.

Show comments