Ayon kay Atty. Ariel Inton, founding president ng Lawyers for Commuters and Safety Protection (LCSP) at dating LTFRB board member, hindi dapat ipagbawal ang motorcycle for hire dahil isa ito sa tumutulong na maihatid ng ligtas sa kanilang destinasyon ang mga pa­sahero lalo’t matindi ang traffic at hindi napapasok ng mga 4-wheel drive vehicles ang ilang kalye.
Walter Bollozos
Motorcycle for hire, legal - Inton
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 17, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi bawal mamasada ang “motorcyles for hire” sa bansa tulad ng operasyon ng motorcycle ride-sharing service na Angkas pero kailangan lamang itong ma-regulate.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, founding president ng Lawyers for Commuters and Safety Protection (LCSP) at dating LTFRB board member, hindi dapat ipagbawal ang motorcycle for hire dahil isa ito sa tumutulong na maihatid ng ligtas sa kanilang destinasyon ang mga pa­sahero lalo’t matindi ang traffic at hindi napapasok ng mga 4-wheel drive vehicles ang ilang kalye.

Anya, ligtas ang sinuman sa pagsakay sa alinmang behikulo kung alam niya ang tamang magmamaneho ng sasakyan.

“Safety concerns should not prompt the government to ban Angkas, because riding a motorcycle is safe unless the driver does not know how to drive safely. Tingnan mo, simula noong bumalik ang Angkas, meron na bang aksidente involving an Angkas rider? Wala. Kasi highly-trained ang Angkas motorcycle dri­vers,”” sabi pa ni Inton.

Noong December 12, nagpalabas ng TRO ang Korte Suprema na nagbabawal sa Angkas drivers sa pagsasakay ng pasahero.

Sabi naman ni George Royeca, spokesman ng Angkas na tuloy ang ope­rasyon ng kanilang mga miyembro dahil ang TRO decision ay hindi naman nagsasabi na ang Angkas ay legal o illegal ang operasyon.

COMMUTERS AND SAFETY PROTECTION MOTORCYLES FOR HIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with