Digong dadalo sa turnover ng Balangiga bells sa E. Samar

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na dahil sa kahilingan ng mga taga-Eastern Samar na makitang personal ang Pangulo na ipasakamay sa kanila ang Balangiga Bells ay binago agad nito ang desisyon at minabuting dumalo na lamang.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Binawi ni Pangulong Duterte ang kaniyang naunang desisyon na hindi ito dadalo sa turn-over ceremony ng Balangiga Bells sa Eastern Samar.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na dahil sa kahilingan ng mga taga-Eastern Samar na makitang personal ang Pangulo na ipasakamay sa kanila ang Balangiga Bells ay binago agad nito ang desisyon at minabuting dumalo na lamang.

“The President has made changes in his schedule of activities to join the Filipino community in welcoming the return of the bells,” wika ni Panelo.

Nauna rito hindi na nakadalo ang Pangulo ng duma­ting dito sa Pilipinas mula US ang nasabing mga kampana noong Disyembre 11 matapos ang 117 taon.

Show comments