^

Bansa

PNP mananatiling nakaalerto

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
PNP mananatiling nakaalerto
Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Benigno Durana Jr. na mahabang panahon nang ginagamit lamang sa pagsasamantala sa paglulunsad ng karahasan ng CPP-NPA ang idinedeklarang unilateral ceasefire ng pamahalaan.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Mananatiling nakaalerto at hindi na magpapalinlang ang mga elemento ng Philippine National Police sa kabila ng idineklarang unilateral ceasefire ng Communist Party of the Philippines–New People’s Army (CPP-NPA) nga­yong kapaskuhan.

Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Benigno Durana Jr. na mahabang panahon nang ginagamit lamang sa pagsasamantala sa paglulunsad ng karahasan ng CPP-NPA ang idinedeklarang unilateral ceasefire ng pamahalaan.

Aniya, hindi na nga­yon magpapaloko pa ang PNP operatives sa patibong ng komunistang grupo dahil wala ang mga itong isang salita at sinseridad.

Ang CPP-NPA ay nagdeklara ng limang araw na unilateral ceasefire na oobserbahan mula alas -12:01 ng Disyembre 24 hanggang Disyembre 26 at mula alas-12:01 ng madaling araw ng Disyembre 31, 2018 hanggang alas -11:59 ng gabi ng Enero 1, 2019.

Una na ring sinabi ng Armed Forces of the Philippines at ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi sila magrerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng unilateral ceasefire dahil sa kawalang sinseridad ng communist rebels na patuloy sa paghahasik ng terorismo.

vuukle comment

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES–NEW PEOPLE’S ARMY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with