Unang idineklara ni Pangulong Duterte ang ML sa Mindanao noong May 23, 2017 habang ito ay nasa Moscow, Russia dahil sa paghahasik ng terorismo ng Maute-ISIS sa Marawi City.
Digong hiniling na sa Kongreso ang ML extension sa Mindanao
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hiniling na ni Pangulong Duterte sa Kongreso na palawigin muli ang pag-iral ng Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, lumiham na si Pangulong Duterte kina House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at Senate President Vicente Sotto III upang hilingin ang panibagong extension ng ML sa Mindanao.

Unang idineklara ni Pangulong Duterte ang ML sa Mindanao noong May 23, 2017 habang ito ay nasa Moscow, Russia dahil sa paghahasik ng terorismo ng Maute-ISIS sa Marawi City.

Nagpalabas noon si Pangulong Duterte ng Proclamation 216 na nagdedeklara ng Martial Law sa Mindanao sa loob ng 6 na buwan na sinuportahan naman ng Kongreso.

Muling humiling ng extension si Duterte na sinang-ayunan muli ng Kongreso hanggang sa Disyembre 31, 2018.

Sa Lunes ay magbibigay ng briefing ang liderato ng Armed Forces of the Philippines sa miyembro ng Senado ukol sa panibagong ML extension.

MARTIAL LAW RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with