MANILA, Philippines — Pabor si Pangulong Duterte sa panukalang maging legal ang paggamit ng marijuana bilang gamot.
“The President has already made a statement on that prior. For purposes of medicine, to heal, he’s in favor. But not for use other than that,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Aniya, suportado ng Pangulo ang legalisasyon ng medical marijuana subalit mariing tinututulan nito ang paggamit nito bilang bisyo.
Ang pahayag ni Panelo ay matapos magbiro ang Pangulo na gumagamit siya ng marijuana upang mawala ang antok noong ASEAN Summit sa Singapore.
Wika ng Pangulo na dahil sa sobrang hectic ng schedule sa ASEAN Summit ay kinailangan niyang humithit ng marijuana upang hindi antukin.
Inilarawan pa ng Pangulo na killing activity ang schedule sa Summit na nagsisimula ng 8:30 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi
Pero sa isang panayam, nilinaw ni Duterte na isang joke lamang ang sinabi niyang gumamit siya ng marijuana.