Pag-aresto sa grupo ni Satur suportado ni Duterte

Sinabi ni Pangulong Duterte, nagreklamo ang mga magulang ng mga kabataang ni-rescue umano ng grupo ni Ocampo na malinaw daw na kidnapping kaya nakialam ang mga otoridad.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Suportado ni Pangulong Duterte ang naging pag-aresto at pagsasampa ng kaso ng mga pulis at militar kay dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at kanyang mga kasamahan sa Davao del Norte.

Sinabi ni Pangulong Duterte, nagreklamo ang mga magulang ng mga kabataang ni-rescue umano ng grupo ni Ocampo na malinaw daw na kidnapping kaya nakialam ang mga otoridad.

Ayon sa Pangulo, ginagamit ng mga komunista ang Lumad na bumubuo na ng 75 porsyento sa New People´s Army (NPA).

Inihayag pa ni Pa­ngulong Duterte na kailangang kumilos ang pamahalaan para maiiwas ang mga Lumad na maimpluwensyahan ng mga komunista at hindi masira ang kanilang buhay.

Show comments