Midas Marquez, balik SC spokesman

Si Marquez ay kasalukuyang SC Court Administrator.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Si Supreme Court Administrator Atty. Midas Marquez ang bagong spokesman ng SC matapos na italaga ng bagong Chief Justice Lucas Bersamin.

Si Marquez ay kasalukuyang SC Court Administrator. 

Ayon kay Bersamin, gusto niyang maging malapit at laging nakatugon sa publiko ang kanyang tanggapan kaya kailangan umano niya ang katulad ni Marquez. 

Sinabi rin ni Bersamin na gusto niya na sa loob ng 11 buwan niyang natitira sa panunungkulan ay umiral ang pagmamahalan sa loob ng SC. 

Hinimok din ni Bersamin ang mga mamamahayag na maging “accurate” lamang sa kanilang mga isinusulat.

 “Alam ko na kapag maganda ang inyong isinusulat ay walang nagbabasa kaya gusto ko lang ay tama ang inyong isusulat,” ani Bersamin.

Show comments