5,560 pulis ikakalat sa pagbisita ni Chinese President Xi Jinping
MANILA, Philippines — Aabot sa 5,560 mga pulis ang ikakalat sa Metro Manila upang tiyakin ang seguridad sa pagbisita sa bansa ni Chinese President Xi Jinping sa Martes, Nobyembre 20 ng taong ito.
Sinabi ni Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG) Director P/Chief Supt. Roberto Fajardo nasa 60 traffic enforcers at riders ang poposte sa mga lugar na daraanan ng Chinese President.
Ayon naman kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar, nasa 5,500 namang mga pulis ang kanilang ipakakalat sa pagbisita ni President Jinping.
Inihayag ni Eleazar na plantsado na ang seguridad na kanilang ipatutupad, nakahanda na ang NCRPO personnels na makakatuwang ang iba pang mga ahensya ng gobyerno.
Una nang inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si President Jinping na bumisita sa bansa upang mapaigting pa ang ugyanan ng Manila sa Beijing.
- Latest