^

Bansa

Filipino, Panitikan sa kolehiyo ‘wag alisin

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Filipino, Panitikan sa kolehiyo �wag alisin
Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, mas mawawala na ang kaalaman ng mga kabataan sa mas malalim na paggamit ng Filipino kapag tinanggal pa ito.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Muling kinontra ng mga senador ang pagtanggal sa Filipino at Panitikan sa college curriculum.

Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, mas mawawala na ang kaalaman ng mga kabataan sa mas malalim na paggamit ng Filipino kapag tinanggal pa ito.

“Ang Filipino na alam natin ngayon ay nagi­ging Taglish na at mababaw. Mas mawawala na ang kaalaman ng mga kabataan sa mas malalim na paggamit ng Filipino pag mawawala pa ito sa kolehiyo,” sabi ni Gatchalian.

Ayon naman kay Sen. Koko Pimentel, dapat ibalik ng Commission on Higher Education ang dalawang subjects sa core curriculum sa kolehiyo.

“Marami pa tayong puwedeng matutunan sa mga sekreto ng ating sari­ling wika at sa ganda at lalim ng ating panitikan. Hindi natatapos ang pagbubuklat ng mga sekretong ito at ang patuloy na pagka bighani sa ganda ng ating panitikan,” sabi ni Pimentel.

Naniniwala naman si Sen. Ping Lacson na bilang mga Filipino, dapat maging makabayan ang mga mamamayan at payabungin pa ang kaalaman sa ating wika.

Ipinunto pa ni Lacson na marami ng mga kabataan ang nahihirapan sa paggamit ng Filipino kaya pinapalitan nila ang ilang salita ng English.

Kaugnay nito, sinabi ni Sen. Chiz Escudero na hindi na kailangan ng batas para ilagay ang Filipino at Panitikan sa curriculum at maari itong gawin sa pamamagitan ng isang executive order.

vuukle comment

SHERWIN GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with