Singaporean investors interesado sa Pinas
MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ng embahada ng Pilipinas sa Singapore na mataas ang interes ng mga Singaporean investors na maglagak ng kanilang puhunan sa Pilipinas.
Sinabi Philippine Ambassador to Singapore Joseph del Mar Yap, sa katunayan ay bumuo pa ang mga Singaporean businessmen ng tatlong delegasyong tutungo ng Pilipinas para pag-aralan ang iba’t ibang investment opportunities.
Ayon kay Amb. Yap, nais samantalahin ng Singaporean businessmen ang malakas na consumer market na nakita sa hanay ng middle class.
Patuloy rin umano ang pagpalo ng gross domestic product (GDP) sa higit sa anim na porsyento at target pang mapataas ito.
- Latest