^

Bansa

Mag-asawang Cayetano pinapa-disqualify sa Comelec

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawang Cayetano pinapa-disqualify sa Comelec
Nabatid na naghain ang isang concerned citizen na si Leonides Buac upang hilingin sa Comele na ibasura ang inihaing Certificates of Candidacy (COC) ng mag-asawa.
Pool/Russell Palma/File

MANILA, Philippines — Pinapadiskwalipika sa Commission on Elections (Comelec) ang mag-asawang sina da­ting DFA secretary Alan Peter Cayetano at Taguig City Mayor Lani Cayetano sa 2019 elections dahil sa isyu ng residency.

Nabatid na naghain ang isang concerned citizen na si Leonides Buac upang hilingin sa Comele na ibasura ang inihaing Certificates of Candidacy (COC) ng mag-asawa.

Sinabi ni Buac na hindi maaaring tumakbo sa pagka-kongresista sa magkahiwalay na distrito ang mag-asawang Cayetano dahil maaari lamang magmantine ang mga ito ng iisang legal residence.

Sa inihaing COC ng mag-asawa, nabatid na si Cayetano ay tumatakbo bilang mambabatas ng unang distrito ng Taguig City, habang ang kanyang maybahay naman na si Mayor Lani ay nais na maluklok sa second congressional district ng lungsod, gamit ang magkahiwalay na address.

“The usual place of abode of the husband and wife, as jointly fixed by them, is their one legal residence for the purpose of running for public office,” ayon sa petisyon. 

Nakasaad din na ang isang mag-asawa ay maaari lang manirahan sa iisang lugar. 

Tinawag pa ni Atty. George Garcia, abogado ni Buac, ang mga Caye­tano na “super dynasty” na naglalayong magpalawig ng kanilang teritoryo.

Sa pahayag naman ng mag-asawang  Cayetano, ang diskuwalipikasyon ay labag sa kagustuhan ng kanilang mga constituents sa Taguig at Pateros na makapagbigay pa ng serbisyo.

Handa silang sagutin punto por punto ang isyu nasabing petisyon.

vuukle comment

COMMISSION ON ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with