^

Bansa

Lifetime cellphone number aprub

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Lifetime cellphone number aprub
Nauna ng sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian, nagsulong ng panukala sa Senado, karapatan ng mga postpaid at prepaid subscribers na mapanatili ang kanilang numero ng telepono kahit pa nagpalit na sila ng telecommunication company o provider.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Aprub na sa bicameral conference committee ang panukalang gawing forever ang cellphone number ng mga subscri­bers kahit pa magpalipat-lipat sila ng mga cellular phone companies.

Nauna ng sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian, nagsulong ng panukala sa Senado, karapatan ng mga postpaid at prepaid  subscribers na mapanatili ang kanilang numero ng telepono kahit pa nagpalit na sila ng telecommunication company o provider.

Naniniwala si Gatcha­lian na mas magkakaroon ng kompetisyon sa pagitan ng mga telecommunications kung magkakaroon ng kalayaan ang mga subscribers na lumipat na hindi kinakailangang magpalit ng cellular phone number.

Kapag naging batas, aatasan ang lahat ng Public Telecommunications Entity (PTE) na big­yan ang kanilang subscribers sa buong bansa ng Mobile Number Portability (MNP) para mas mabilis na makalipat sa nais nilang service provider.

Maari ring lumipat ang mga subscribers sa papasok na third telco company kung gugustuhin nila.

“Ngayon kasi kung marami kang cellphone numbers, isang mala­king problema kung lilipat ka ay kakailanganin mo i-text ang lahat na papalitan mo na ang cell phone number mo, with this law, hindi mo na kaila­ngan gawin yun,” sabi ni Gatchalian.

Idinagdag ni Gatcha­lian na walang magiging security impact ang panukala dahil ang dadalhin lang ay ang cellphone mo.

vuukle comment

SHERWIN GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with