Ayon kay Francisco Lara, senior adviser ng International Alert Philippines, ang pagsasabatas ng Senate Bill No. 1816 o Marawi Siege Victims Compensation Act of 2018 ni Sen. Bam ay makatutulong upang mapabilis ang pagbangon ng siyudad at paghihilom ng sugat na resulta ng bakbakan.?
KJ Rosales
Marawi compensation bill suportado ng int’l group?
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 26, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hiniling ng isang international organization ang agarang pagsasabatas ng panukala ni Sen. Bam Aquino na naglalayong bayaran ang mga residente ng Marawi City na nasira ang mga tahanan at iba pang ari-arian sa pagsalakay ng Maute group noong nakaraang taon.

Ayon kay Francisco Lara, senior adviser ng International Alert Philippines, ang pagsasabatas ng Senate Bill No. 1816 o Marawi Siege Victims Compensation Act of 2018 ni Sen. Bam ay makatutulong upang mapabilis ang pagbangon ng siyudad at paghihilom ng sugat na resulta ng bakbakan.?

“It’s very important. It’s very important in terms of healing wounds created by the war in Marawi,” wika ni Lara.?Iginiit ni Lara na hindi maganda na paghintayin nang matagal ang mga taga-Marawi para sa pagsasabatas ng nasabing panukala, lalo na’t hinihingi na ito ng kasalukuyang sitwasyon.?

Inihain ni Bam ang Senate Bill 1816 noong May 22, 2018, kung saan nakasad na ang kabayaran ay magbibigay sa mga residente ng Marawi City ng pagkakataon na agad makabangon mula sa pinsalang dulot ng pagsalakay ng Maute group sa siyudad.?

“Sa ngayon, wala pang paraan upang mabigyan sila ng tulong mula sa gobyerno na katumbas ng kanilang personal na ari-arian na nawala at nasira sa bakbakan,” wika ni Bam.

Batay sa pagtaya ng National Economic Deve-lopment Authority (NEDA), aabot sa P51.7 bilyon ang gagastusin para sa rehabilitasyon ng Marawi City.

BAM AQUINO MARAWI CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with