^

Bansa

Pamamaslang kinondena ng Malakanyang at Kongreso

Rudy Andal, Malou Escudero, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pamamaslang kinondena ng Malakanyang at Kongreso
Idinagdag pa ni Sec. Panelo, kinikilala ng tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang prinsipyo ng karapatang mabuhay ng bawat indibidwal.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Kinondena ng Malacañang at ng mga mi­yembro ng Mataas at mababang kapulungan ng Kongreso ang pagmasaker sa siyam na miyembro ng Negros Federation of Sugar Workers sa Sagay City.

“Lubhang ikinabahala ng palasyo ang insidente at nautusan na ang Philippine National Police na imbestigahan ito,” wika ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa isang pahayag.

Idinagdag pa ni Sec. Panelo, kinikilala ng tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang prinsipyo ng karapatang mabuhay ng bawat indibidwal.

Gayunman, sinabi ni Panelo na lumilitaw sa imbestigasyon ng mga awtoridad na posibleng mi­yembro ng New People’s Army ang pumaslang sa siyam na magsasakang miyembro ng NFSW habang nagpapahinga ang mga ito sa Hacienda Nene noong Sabado ng gabi.

Samantala, hiniling ng Makabayan Bloc sa House Committee on Agrarian Reform at Human Rights na magsagawa ng joint investigation kaugnay sa tinaguriang “Sagay massacre”.

Sa House Resolution 2262 na inihain ng Makabayan bloc, mariin nilang kinondena ang mabilis na pagtuturo ng gobyerno sa NPA na umanoy nasa likod ng pamamaril sa siyam na katao sa Sagay City.

Giit ng grupo, masyadong nakakagalit ito dahil nangyari pa ang insidente sa gitna ng Tiempos Muerte o panahon na naani na ang tubo at nahaharap sa kawalan ng hanapbuhay ang mga magsasaka.

Mariin ring kinondena kahapon ng mga senador ang nangyaring masaker.

Ayon kay Senator Nancy Binay, walang pu­wang sa sibilisadong lipunan ang karahasan at hindi katanggap-tanggap ang nangyaring trahedya sa Hacienda Nene.

Ayon naman kay Se­nator Juan Miguel Zubiri, hindi na dapat nangyayari ang mga kahalintulad na karahasan ngayong maka­bagong panahon.

Naniniwala naman si Senator Grace Poe na dapat maresolba kaagad ang pagpaslang na nagtatanim lamang ng tubo.

vuukle comment

NEGROS FEDERATION OF SUGAR WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with