^

Bansa

Maging ‘neutral’ sa 2019

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Maging �neutral� sa 2019
“Let us make a deal here to make a commitment to the Filipino people. This election, strictly neutral tayong lahat,” mensahe ni Pangulong Duterte sa change of command ng Philippine Army kamakalawa.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Mahigpit ang direktiba ni Pangulong Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na maging “neutral” at huwag magpapagamit o di kaya’y kikiling sa mga pulitiko lalo na ngayong papalapit na ang 2019 midterm elections.

“Let us make a deal here to make a commitment to the Filipino people. This election, strictly neutral tayong lahat,” mensahe ni Pangulong Duterte sa change of command ng Philippine Army kamakalawa.

Ayon sa Pangulo, nais niyang manatiling tapat sa watawat at Saligang Batas ng Pilipinas ang mga sundalo dahil ito ang kanilang sinumpaang tungkulin.

“The Armed Forces, the police and the uniformed personnel of the government, I am asking you not to indulge in partisan politics,” dagdag ng Pangulo.

Giit nito na hayaan na lamang na siya ang sumuporta sa mga kandidato dahil siya naman ay isang pulitiko, ngunit wala pa naman siyang opisyal na listahan ng kaniyang susuportahan sa darating na halalan.

“Wala tayong susuportahan. Yung mga kandidato ko, ako lang,” dagdag pa ng Pangulo.

Tiniyak din ni Duterte na walang pondong gob­yerno ang gagamitin sa kampanya ng mga kandidato ng administrasyon kahit ang kanyang close aide na si Special Assistant to the President Bong Go na naghain ng kanyang certificate of candidacy kamakalawa bilang senatorial candidate ng PDP-Laban sa Comelec.

“Nobody but nobody can use government resources. Not even Bong. I will not allow. As a friend, I can invite him,” sabi pa ng Pangulo.

Hindi lamang ang militar ang sinabihan ng Pa­ngulo na maging non-partisan sa nalalapit halalan, kundi maging ang PNP.

Magugunitang ilan sa mga dating heneral na sasabak sa halalan ay si dating PNP chief at outgoing Bureau of Corrections Director Ronald “Bato” dela Rosa.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with