^

Bansa

Walang special treatment kay Bong Go – Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Walang special treatment kay Bong Go � Palasyo
Pahayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa isyu ng pagbibigay ng special treatment kay Go.

MANILA, Philippines — Nanindigan ang Mala­cañang na hindi naman pinaboran ng Commission on Elections (Comelec) si resigned Special Assistant to the President (SAP) Bong Go nang maghain ito ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-senador.

Pahayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa isyu ng pagbibigay ng special treatment kay Go.

Nabatid na may polisiya ang Comelec na dapat ay hanggang apat na tao lamang ang maaaring isama ng isang kandidato sa kanyang paghahain ng COC.

Bukod kay Pangulong Duterte na sumama kay Go, naroon din sa Comelec sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Presidential Communications Operations Office Sec. Martin Andanar, da­ting Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, at dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Sinabi ni Sec. Panelo, hindi lang inaasahan ng Comelec ang pagdating ng maraming tagasuporta ni Go na matataas na opisyal ng gobyerno kaya posibleng hindi nila ito napaghandaan.

Hindi aniya nangangahulugan na pagbibigay pabor na ito kay Go.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with