^

Bansa

Jinggoy hangad na pumasok silang 2 ni JV sa Senado

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Jinggoy hangad na pumasok silang 2 ni JV sa Senado
Sinamahan ni Manila Mayor Joseph Estrada ang anak na si Jinggoy nang maghain ng certificate of candidacy sa pagka-senador kahapon sa Comelec.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Bagamat hindi nagkikibuan, hangad pa rin ni dating senador Jinggoy Estrada na manalo sila ni Sen. JV Ejercito sa Senado sa election 2019.

Matapos na mag-file ng kanyang Certificate of Candidacy sa pagka-senador kahapon, sinabi ni Jinggoy kapatid pa rin niya si JV at wala siyang hangad kundi maluklok silang pareho sa Senado.

Aminado si Jinggoy na malaking bagay na sinamahan siya ng kanyang mga magulang na sina Manila Mayor Joseph Estrada at Dr. Loi Ejercito sa Comelec. Aniya hiniling niya ito sa kanyang mga magulang.

Sinabi naman ng Alkalde na hindi nagpaalam si JV sa kanya kaya’t hindi niya ito nasamahan. 

Prayoridad pa rin ni Jinggoy na maihain ang mga batas na makiki­nabang ang masa.

Dagdag pa ni Jinggoy na makikita naman ito sa kanyang puwesto sa survey. Indikasyon na kapaki-pakinabang ang mga batas na kanyang inihain. 

Samantala, muling susubok sa Senado si dating Senador Mar Roxas, Ilocos Gov. Imee Marcos, Pia Cayetano, reelectionist Bam Aquino, Shel Diokno at Erin Tañada na naghain ng COC kahapon.

vuukle comment

JINGGOY ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with