^

Bansa

Bam ‘di natinag sa fake news

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Bam �di natinag sa fake news
“Hindi naman nawawala ang fake news sa akin, at titindi pa ang pagbaha ng paninira ngayong palapit na ang halalan. Ngunit may mga mas mahalagang isyu ang mga Pilipino na kaila­ngan pang solusyunan, tulad ng matinding pagtaas ng presyo ng bilihin,” wika ni Sen. Bam, na inihain ang Bawas Presyo sa Petrolyo bill noon pang Mayo nga­yong taon.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagdagsa ng mga pekeng statement at maling impormasyon laban kay Sen. Bam Aquino, hindi natitinag ang senador at determinadong ipagpatuloy ang pagsusulong ng reporma na magpapaganda sa buhay ng mga pamilyang Pilipino.

“Hindi naman nawawala ang fake news sa akin, at titindi pa ang pagbaha ng paninira ngayong palapit na ang halalan. Ngunit may mga mas mahalagang isyu ang mga Pilipino na kaila­ngan pang solusyunan, tulad ng matinding pagtaas ng presyo ng bilihin,” wika ni Sen. Bam, na inihain ang Bawas Presyo sa Petrolyo bill noon pang Mayo nga­yong taon.

“Gusto ko lang magtrabaho at magsulong ng mga reporma na makakatulong sa pamilyang Pilipino,” dagdag ni Bam, na mayroon nang 27 batas sa kanyang unang termino bilang senador, kabilang ang batas sa libreng kolehiyo na kanyang isinulong bilang principal sponsor.

Kamakailan, ilang Facebook ang naglabas ng maling statement at impormasyon laban sa senador. Layon nito na lokohin ang publiko dahil nakalagay ang mga ito sa logo ng kilalang news organizations. Binatikos na ng mga lehitimong news organizations ang mga nasabing larawan at statement at tinawag na peke.

Kamakailan, lumabas sa survey ng Pulse Asia na 88 porsiyento ng mga Pilipino ang nakakaalam na talamak ang fake news sa social media.

Sa kanyang panahon bilang chairman ng Committee on Education, nagsagawa si Bam ng pagdinig ukol sa responsableng paggamit ng social media sa mga paaralan upang labanan ang pagkalat ng pekeng balita sa social media.

vuukle comment

BAM AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with