Ayon sa pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) malaking bagay para sa mga senior citizens ang libreng sakay ng MRT-3 na bahagi ng pagdiriwang ng ‘Elderly Filipino Week’.
Cesar Ramirez
81,701 seniors nakinabang sa libreng sakay ng MRT-3
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 9, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kabuuang 81,701 se­niors ang sinasabing nakinabang sa ipinatupad na libreng sakay ng Metro Rail Transit Line  3 (MRT-3) noong nakalipas na isang linggo.

Ayon sa pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) malaking bagay para sa mga senior citizens ang libreng sakay ng MRT-3 na bahagi ng pagdiriwang ng ‘Elderly Filipino Week’.

Nagsimula ang libreng sakay ng MRT-3 sa mga matatanda noong Oktubre 1 hanggang 7 bilang pagpupugay sa mga senior citizen.

Ang libreng sakay ay ipinatupad sa buong ope­rating hours ng mga tren ng MRT-3.

Maliban sa MRT-3, nagkaloob din ng libreng sakay para sa mga nakatatanda ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa loob ng isang linggo.

Ang MRT-3 ay  bumibiyahe sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Ave­nue (EDSA) mula North Ave­nue, Quezon City hanggang Taft Avenue, Pasay City.

METRO RAIL TRANSIT LINE 3 SENIOR CITIZEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with