Pinay pinatay ng asawang Swedish actor

Sa ulat na nakara­ting sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs kahapon, kinilala ang biktimang si Mailyn Conde Sinambong, nasa hustong gulang, nakabase sa Kista, Sweden.
facebook/Gigi T Sinambong

MANILA, Philippines — Isang Pilipina ang pinatay sa bugbog ng kanyang asawang Swe­dish actor sa Sweden nitong nakaraang linggo.

Sa ulat na nakara­ting sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs  kahapon, kinilala ang biktimang si Mailyn Conde Sinambong, nasa hustong gulang,  nakabase sa Kista, Sweden.

Samantala, nasa custody naman  ng Swedish Police ang suspect, isang  Swedish  actor, na nahaharap sa kasong murder at hindi na binanggit sa report ng DFA ang pangalan nito.

Ayon kay DFA Secretary Alan Peter S. Cayetano, humingi ng ayuda sa kanila ang  ina ng biktima na si Maria Monato hinggil sa sinapit ng kanyang anak sa kamay ng mister nito.

Ayon sa DFA, nagtu­ngo kahapon sa Stockholm, Sweden ang two-member team ng Philippine Embassy mula sa Oslo, Norway upang tumulong sa repatriation sa labi ng  Pinay.

Dahil dito ay  nagpaabot nang pakikiramay ang DFA sa pamilya ng biktima. 

Show comments