‘Paeng’ binabantayan

Kahapon ay naging ganap na bagyo ang tropical storm Trami na tatawaging Paeng matapos pumasok sa Philippine Area of Res­ponsibility (PAR).

MANILA, Philippines — Isang panibagong bagyo na naman ang pumasok sa bansa at patuloy na binabantayan ng PAGASA.

Kahapon ay naging ganap na bagyo ang tropical storm Trami na tatawaging Paeng matapos pumasok sa Philippine Area of Res­ponsibility (PAR).

Mararamdaman ang bagyong Paeng sa Batanes at Babuyan Group of Islands at sa extreme Northern Luzon sa Biyernes.

Hindi naman inaasahan na palalakasin ng southwest monsoon o Habagat ang nasabing bagyo.

Simula kahapon ng alas-8 ng umaga ay namataan ang mata ng bagyo sa 1,260 kilometers east ng Central Luzon na may maximum sustained winds na 120 kph at gustiness na hanggang 145 kph.

Related video:

Show comments