^

Bansa

Nagtatangkang patalsikin si Duterte ganid sa kapangyarihan - Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Nagtatangkang patalsikin si Duterte ganid sa kapangyarihan - Palasyo

MANILA, Philippines — Ganid sa kapangyarihan na nais makabalik sa Malacañang ang pagsasalarawan ng Palasyo sa mga nagtatangkang patalsikin si Pangulong Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mabibigo lamang ang anumang plano na mapatalsik ang Pangulong upang makabalik sa kapangyarihan ang nasabing grupo.

Mismong si Pangulong Duterte ang nagbunyag na susubukan ng mga kritiko na makabalik ang mga ito sa kapangyarihan at mapabagsak ang Presidente.

Binigyang-diin ni Sec. Roque na walang pagbabago ang sambayanan sa suportang ipinagkakaloob nito sa Administrasyon gayung nananatiling mataas ang trust at popularity ratings ng Chief Executive.

Wika pa ni Roque, buo pa rin ang suporta at tiwala ng taumbayan kay Pangulong Duterte kaya tiyak na hindi magtatagumpay ang anumang pagtatangka ng mga gahaman sa kapangyarihan na makabalik sa Malacañang ang mga ito.

Nagsagawa ng kilos-protesta kahapon ang ibat ibang grupo sa paggunita sa ika-46 taon ng pagdedeklara ng Martial Law ni dating Pangulong Marcos.

vuukle comment

RODIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with