Walang nadamay na Pinoy sa shooting sa Maryland sa US

Base sa report, kamakalawa ay tatlo katao ang nasawi at tatlo pa ang sugatan nang mamaril ang isang babaeng suspect at kalaunan ay nagbaril din sa sarili malapit sa isang pharmacy distribution center sa Perryman, Harford Country, Maryland, USA.
AP photo

MANILA, Philippines — Walang nadamay na mga Pinoy sa isinagawang pamamaril ng isang 26-anyos na babae  na ikinasawi ng tatlong katao at ikinasugat pa ng tatlo  sa Maryland, United State of America (USA) kamakalawa.

Kinumpirma ito kahapon ng tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Gayunman, sabi ng DFA, mino-monitor  nila ang sitwasyon ng mga Pinoy doon  at pinatutupad ang mahigpit na seguridad sa mga ito.

Show comments