Homicide kay Espenido

Nakasaad sa resolusyon ng DOJ na may probable cause upang kasuhan sina Espenido, SPO4 Renato Martir Jr. at PO1 Sandra Nadayag sa kasong isinampa ni Carmelita Manzano, misis ni Francisco Manzano na isa rin sa napatay sa operasyon.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pinakakasuhan ng Department of Justice si  Ozamiz City Police Chief Jovie Espenido ng six counts ng homicide kaugnay ng pagkamatay ng tinaguriang  “Ozamis 9” noong Hunyo 2017. 

Nakasaad sa resolusyon ng DOJ na may  probable cause upang kasuhan sina Espenido, SPO4 Renato Martir Jr. at PO1 Sandra Nadayag sa kasong isinampa ni Carmelita Manzano, misis ni Francisco Manzano na isa rin sa napatay sa operasyon.

Una nang hiniling ni Espenido at co-respondents na ibasura ang kaso sa pagsasabing lehitimo ang operasyon laban sa umano’y miyembro ng “Martilyo” robbery group na responsable sa serye ng panghoholdap sa Ozamiz.

Subalit ayon sa panel of prosecutors, ang pag-amin sa pagkakapatay sa mga biktima ay sapat na upang sampahan sila ng kasong homicide.

Ibinasura naman ng DOJ ang kasong murder laban sa mga pulis.

Ayon naman kay Justice Secretary Menardo Guevarra, maaari namang iapela ang kaso. 

Naging kontrobersiyal si Espenido matapos ang pagpatay kay Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog at 14  iba pa sa mismong bahay ng alkalde.

Show comments