Kudeta vs GMA lumutang

Ayon kay Velasco, hindi na siya nagulat na nada­may na naman dito ang kanyang pangalan dahil nangyari na rin ito noong ikudeta si dating Speaker Pantaleon Alvarez.
MIchael Varcas

MANILA, Philippines — Itinanggi ni Marinduque Rep. Lord Allan  Velasco na balak niyang patalsikin at palitan sa puwesto si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kay Velasco, hindi na siya nagulat na nada­may na naman dito ang kanyang pangalan dahil nangyari na rin ito noong ikudeta si dating Speaker Pantaleon Alvarez.

Subalit kung noon umano ay hindi siya naghangad ng posisyon ng pagka-Speaker, hangang ngayon ay hindi rin niya ito pinag-iinteresan.

Siniguro pa ng kongre­sista kay Arroyo na walang siyang kinalaman sa anu­mang pagtatangka sa po­sis­yon niya at patuloy niyang sinusuportahan ang Speaker.

Lumutang ang coup d’ etat laban sa liderato ni GMA matapos ang kontrobersiyang bumabalot sa 2019 budget na resulta umano ng alokasyon ng P55 bilyon sa ilang distrito ng mga kongresista.

Show comments