^

Bansa

Bagong video ni Mocha binira ni Binay

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Bagong video ni Mocha binira ni Binay
“Hindi nakakatuwa ang huling video ni Asec. Mocha Uson at Drew Olivar,” sabi ni Binay na pumuna pang ang nasabing video ay kawalang paggalang sa mga pipi at bingi.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Mariing binatikos kahapon ni Senator Nancy Binay ang pinakahuling video nina Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson at blogger Drew Olivar dahil ginawang katatawanan umano ang sign language.

“Hindi nakakatuwa ang huling video ni Asec. Mocha Uson at Drew Olivar,” sabi ni Binay na pumuna pang ang nasabing video ay kawalang paggalang sa mga pipi at bingi.

Naniniwala si Binay na siyang “discriminatory action” ang ginawa ni Drew sa video habang tumatawa naman si Uson.

Ang dapat aniya ay isulong pa ang kapakanan ng mga Filipino na may kapansanan at hindi nakakapagsalita lalo na ng mga opisyal ng gobyerno na katulad ni Uson.

Ipinaalala rin ni Binay na labag sa Republic Act 9442 o Magna Carta for Disabled Person kung ginagawang katawa-tawa ang kapansanan ng isang tao.

vuukle comment

NANCY BINAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with