^

Bansa

‘Appointment ni de Castro walang pulitika’- Digong

Rudy Andal, Doris Franche-Borja, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
�Appointment ni de Castro walang pulitika�- Digong
Sinabi ni Pangulong Duterte sa media interview kahapon sa paggunita ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani na seniority ang kanyang naging batayan sa pagpili kay CJ de Castro.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Iginiit kahapon ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na walang halong pulitika ang pagtatalaga niya sa bagong Chief Justice na si Teresita de Castro sa Korte Suprema.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa media interview kahapon sa paggunita ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani na seniority ang kanyang naging batayan sa pagpili kay CJ de Castro.

“Kung sino yung unang pumasok, siya iyung unang ma-promote,” paliwanag pa ng Pangulo sa Malacañang reporters.

Magugunita na umani ng batikos sa kanyang kritiko ang pagtatalaga kay de Castro dahil bayad-utang daw ito sa naging papel nito sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petition.

Samantala, pagkakaisa ang hiling ni de Castro matapos ang iba’t-ibang  reaksiyon sa pagkakapili sa kanya ng Pangulo.

Marami ang naging masaya para sa kanya at marami rin naman ang nadismaya. 

Tiniyak naman ni De Castro na gagawin niya ang lahat para maayos ang hudikatura sa maiksing panahon ng kanyang panunungkulan.

Todo naman ang pasasalamat nito sa Pangulong Rodrigo Duterte dahil kahit hindi sila personal na magkakilala ay pinagkatiwalaan pa rin siya ng Pangulo na pangunahan ang Mataas na Hukuman. 

Ipinagtanggol ng mga miyembro ng mayorya sa Kamara ang ginawang pagtatalaga ng Pangulo kay de Castro bilang bagong Mahistrado ng Korte Suprema.

Ayon kay Deputy Spea­ker at Batangas Rep. Raneo Abu, ginawa lamang ng Pangulo ang mandato nito sa pagpili ng bagong punong mahistrado ng korte.

Hinikayat naman ni House Committee on Banks and Financial Intermediaries Chair at Samar Rep. Ben Evardone ang mga kritiko na igalang ang pasya ng Pangulo sa kung sino ang nais nitong ma­ging chief justice.

Related video:

vuukle comment

TERESITA DE CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with