2019 elections tuloy na tuloy - Palasyo

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na wala siyang nakikitang anumang senyales na makakansela ang halalan sa susunod na taon.

MANILA, Philippines — Dalawang buwan bago ang filing ng certificate of candidacy, tiniyak ng Malacañang na tuloy ang 2019 midterm elections bagama’t may nagtutulak na ratipikahan ang 1987 Constitution tungo sa Pederalismo.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na wala siyang nakikitang anumang senyales na makakansela ang halalan sa susunod na taon.

“Tuloy na tuloy po ang halalan,” ani Roque.

Aniya matagal na sa pulitika si Pangulong Duterte at naniniwala siya sa demokrasya at eleksiyon.

Giit ni Roque, tuloy ang halalan maliban na lamang kung mararatipikahan ang Konstitusyon bago ang 2019 eleksiyon.

Matatandaang sinabi rin ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na wala namang sapat na oras upang ipasa ang Charter Change sa kanyang panunungkulan bilang Speaker.

Show comments