Drug bust: ‘Pusher’ bulagta, 8 pa timbog

Kinilala ang nasa­wing suspek na si Christian Eusebio, 40, alyas Pher, ng Sitio Tumana, Brgy. San Jose, bayan ng Baliwag na nagtamo ng mga tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Nakadetine naman ang mga naaresto na sina Edienzer De Mateo, 27; Dennis Domingo, 39; Rowena Dolfo, nasa hustong gulang at mga residente ng San Jose Del Monte City; Angela Garcia,27, ng Obando; Crisanto Adacruz, 36, kapatid nitong si Christian Adacruz, 42; Angel Eunice Ferrer, 18 ng San Rafael; Menandro Pasacdal, 33, ng Guiguinto, pawang sa Bulacan.

BULACAN  , Philippines  —   Isang lalaking tulak ng shabu ang nasawi matapos na umano’y kumasa sa pulisya habang walo pa ang nasakote sa isinagawang drug bust operations sa iba’t ibang bayan dito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasa­wing suspek na si Christian Eusebio, 40, alyas Pher, ng Sitio Tumana, Brgy. San Jose, bayan ng Baliwag na nagtamo ng mga tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Nakadetine naman ang mga naaresto na sina Edienzer De Mateo, 27; Dennis Domingo, 39; Rowena Dolfo, nasa hustong gulang at mga residente ng San Jose Del Monte City; Angela Garcia,27, ng Obando; Crisanto Adacruz, 36, kapatid nitong si Christian Adacruz, 42; Angel Eunice Ferrer, 18 ng San Rafael; Menandro Pasacdal, 33, ng Guiguinto, pawang sa Bulacan.

Sa unang ulat ni P/Supt. Marlon Santos ng Baliwag Police, unang isinagawa ang operasyon dakong alas-11:00 ng gabi laban kay alyas Pher sa isang lugar sa Brgy. San Jose at habang nakikipagtransaksyon sa poseur buyer na pulis ay nakahalata ang una sanhi upang bumunot ng baril na nakatago sa loob ng kanyang sling bag ngunit naging maagap ang pulisya sanhi upang maunahan siyang nabaril na kanyang ikinabulagta.

Samantala, timbog sa mga tauhan ni P/Supt. Fitz Macariola ng San Jose Del Monte Police ang tatlong tulak na nasakote sa iba’t ibang lugar dito habang kalaboso rin ang limang iba pa na nagmula sa iba’t ibang bayan.

Narekober sa mga operasyon ang isang .22 revolver, mga bala, 31 plastic sachet ng shabu, P3,000 marked money at sasakyang Mazda Sedan (ZEW-570) na ginagamit sa drug trade.

Show comments