Bawas Presyo Bill iginiit

“Kung ayaw man ito pansinin ng administrasyon, ang taumbayan na ang nagsasabi na certified urgent ang Bawas Presyo Bill. Hindi na raw sila maka­hinga sa taas ng presyo. Kahit anong kayod, hindi na maka­ahon ang mga pamilya,” wika ni Sen. Bam Aquino, na tinutukoy ang kanyang Senate Bill No. 1798.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Isinusulong ng mga pamilyang Pilipino, lalo na ng mahihirap, ang agarang pagpasa ng “Bawas Presyo Bill” sa pagsasabing makatutulong ang panukala upang ma­pagaan ang kanilang pasanin sa mataas na presyo ng bilihin dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

“Kung ayaw man ito pansinin ng administrasyon, ang taumbayan na ang nagsasabi na certified urgent ang Bawas Presyo Bill. Hindi na raw sila maka­hinga sa taas ng presyo. Kahit anong kayod, hindi na maka­ahon ang mga pamilya,” wika ni Sen. Bam Aquino, na tinutukoy ang kanyang Senate Bill No. 1798. Layon ng panukala na suspindihin ang excise tax sa langis sa ilalim ng TRAIN Law kapag lumampas ang average in­fla­tion rate sa taunang inflation target sa loob ng tatlong bu­wan.

Show comments