Panukalang Filipino citizenship kay Brownlee inihain sa Kamara

Sa House bill 8106 na inihain ni 1 Pacman Rep. Michael Romero, nais niya na mabigyan ng Filipino citizenship si Brownlee sa pamamagitan ng nasabing aksyon mula sa Kamara.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Inihain sa Kamara ang panukalang paggagawad ng Filipino citizenship kay Ginebra Gin Kings Basketball player Brownlee.

Sa House bill 8106 na inihain ni 1 Pacman Rep. Michael Romero, nais niya na mabigyan ng Filipino citizenship si Brownlee sa pamamagitan ng nasabing aksyon mula sa Kamara.

Paliwanag ni Romero, nakuha na ng basketbolista ang puso ng mga Pinoy basketball fans dahil sa kanyang galing sa nasabing laro.

Sakaling pumasa at tulu­yang maging batas, si Brownlee ang magiging ikatlong Amerikanong basketball player na naturalized na dumaan sa kongreso.

Kabilang dito sina Marcus Douthit noong 2011 at Andray Blatche noong 2014 na kapwa kumatawan sa Philippine National Team sa International tournaments partikular sa FIBA.

Sakali rin matuloy ang naturalization, maaari na siyang mapasama sa Philippine team na nakatakda namang sumali sa regional qualification ng FIBA.

Show comments