Magnetic lifter walang shabu – BOC

Ito ang sinabi ni Customs Commissioner Isidro Lapeña sa moto propio investigation ng House Committee on Dangerou Drugs kahapon.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Walang laman na shabu ang magnetic lifter na natuklasan sa GMA, Cavite.

Ito ang sinabi ni Customs Commissioner Isidro Lapeña sa moto propio investigation ng House Committee on Dangerou Drugs kahapon.

Paliwanag ni Lapeña, sinuri ng PNP ang apat na magnetic lifters at walang nakitang traces ng shabu doon.

Nanindigan din siya na dumaan sa X-ray ang magnetic lifters at wala itong lamang shabu nang dumaan sa nasabing pro­seso.

Subalit nanindigan si Atty. Ruel Lasala ng PDEA na naniniwala silang droga ang laman ng magnetic lifters sa GMA, Cavite ba­gamat wala silang nakuhang shabu rito dahil lahat ng circumstances ay nagpapakita na may laman ito tulad ng nasabat sa MICP.

Dahil dito kaya pinababawi ni Rep. Horacio Suaning sa PDEA ang statement na P6.8 bilyon halaga ang nakalusot na shabu sa Bureau of Customs (BOC) dahil wala umanong basehan ang estimate na ito.

Tinanong naman ni Marikina Rep. Miro Quimbo kung handa ang PDEA na bawiin ang naging pahayag nito, na tinanggihan naman ni Lasala na gawin ito.

Show comments