Si Pangulong Duterte nang pangunahan ang meeting ng mga miyembro ng dalawang paksiyon ng PDP-Laban na ginawa sa Diamond Hotel, Manila kamakalawa ng gabi.
Digong bigo sa PDP-Laban
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2018 - 12:00am

‘Kanya-kanya na kayo’

MANILA, Philippines — Nabigo si Pangulong Duterte na mapagkaisa ang nag-aaway na paksyon ng PDP-Laban sa isinagawang 5 oras na meeting kamakalawa ng gabi sa isang hotel sa Maynila.

Ayon sa Pangulo, kung hindi magkakasundo ang mga paksyon ay mabuting magkanya-kanya na sila.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, magkahiwalay na kinausap ni Pangulong Duterte ang paksyon nina Atty. Rogelio Mercado at Sen. Koko Pimentel sa nasabing caucus subalit walang napagkasunduan hinggil sa magiging lide­rato nito para mamuno sa partido.

“Sabi po ni Presidente mag usap-usap sila, usap-usap lahat, at pagkatapos, I think sa Setyembre magpupulong uli; tapos kung talagang hindi kakayaning magkasundo ay puwede naman pong maghiwa-hiwalay. Pero ngayon po, ang sabi niya ay mag-usap muna ang lahat ng mga tao na nasa loob ng Partido,” sabi ni Roque kahapon.

Sinabi naman ni Spe­cial Assistant to the President Bong Go, pinayuhan nito ang magka­bilang-panig na ayusin ang kanilang sigalot at magkaisa.

“Tulad ng isang ama na pilit pinagbabati ang mga anak na may hindi pagkakaintindihan, namagitan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng PDP-Laban upang magkaisa ang lahat para sa kabutihan ng partido. Hinimok nya ang mga lider ng magkabilang grupo na unahin ang kapakanan ng bayan sa lahat ng kanilang magi­ging desisyon,” paliwanag ni Go.

Dahil dito, magkakaroon pa ng panibagong pagpupulong ang miyembro ng partido na mayroong alitan sa susunod na buwan.

DUTERTE PDP-LABAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with