LPA malabong pumasok sa Pinas

Ayon kay PAGASA weather forecaster Aldczar Aurelio, magdadala ng ulan ang habagat sa Mimaropa at Western Visayas.

MANILA, Philippines — Malabong pumasok sa Pilipinas ang isang low pressure area, subalit patuloy na magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa ang southwest monsoon o habagat.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Aldczar Aurelio, magdadala ng ulan ang habagat sa Mimaropa at Western Visayas.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas naman ng thunderstorms.

Nabatid na pinalalakas pa ng LPA na nasa 1,335 kilometro silangang bahagi ng Aparri, Cagayan ang habagat.

Gayunman, malabong maging bagyo ang nasabing LPA, at inaasahang lalabas ito sa Philippine area of responsibility ngayong Lunes sapagkat hinihila ito ng tropical cyclone na may international name na Shanshan.

Hindi anya direktang makakaapekto sa bansa si Shanshan na patungo na sa direksiyon ng Japan.

Show comments