Info drive sa federalism tututukan
MANILA, Philippines — Matapos lumabas sa huling Social Weather Station (SWS) survey na kokonti lang ang mga Pilipino na nakakaalam hinggil sa Federal system kaya tututok ang Kamara sa “massive information” sa publiko para ipaalam ang nasabing usapin.
Ayon kay House Deputy Speaker Gwendolyn Garcia, sa mga susunod na buwan ay magkakaroon sila ng massive informaton dessimination tungkol sa federalism na tiyak namang madaling mauunawaan kahit ng mga ordinaryong Pilipino.
Giit pa ni Garcia, kadalasan ay hindi naman iniisip ng mga pinoy kung anong klaseng gobyerno talaga mayroon tayo, anong klaseng sistema at kung minsan nga ay maging mga opisyal ng kanilang gobyerno tulad ng kanilang mga gobernador ay hindi nila kilala.
- Latest