‘Henry’ lalabas ngayon

Ganap na ala-1:00 ng hapon kahapon, si Henry ay namataan sa layong 300 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na 55 kilometers per hour at pagbugso na 65 kph.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inaasahang lalabas na ngayong Martes sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Henry na nagpa-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ganap na ala-1:00 ng hapon kahapon, si Henry ay namataan sa layong 300 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na 55 kilometers per hour at pagbugso na 65 kph.

Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 25 kph.

Nakataas ang signal number 1 sa Batanes, northern portion ng Cagayan kasama ang Babuyan Group of Islands, northern portion ng Apayao, at northern portion ng Ilocos Norte.

Bagamat lalabas na ng bansa ang bagyong Henry, patuloy namang makakaranas ng pag-uulan sa buong Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro Provinces, Palawan at Western Visayas dahil sa epekto ng habagat.

Show comments