Digong pa-Malaysia na

Sinabi ni Presidential Assistant to the President Bong Go, bukod sa panonood ng laban ni Pacquiao ay makikipagkita rin sa Lunes si Pangulong Duterte kay Malaysian Prime Minister Mahathir Mohammad.

MANILA, Philippines — Aalis ngayon si Pangulong Duterte papuntang Malaysia upang manood ng Laban ni boxing icon Sen. Manny Pacquiao.

Sinabi ni Presidential Assistant to the President Bong Go, bukod sa panonood ng laban ni Pacquiao ay makikipagkita rin sa Lunes si Pangulong Duterte kay Malaysian Prime Minister Mahathir Mohammad.

Bukas (Linggo) ng alas10:00 ng umaga ang laban nina Sen. Pacquiao at Argentinian boxer Lucas Matthysse para sa WBA regular welterweight belt na kasalukuyang hawak ni Matthysse.

Ito rin ang unang pagkakataon na makausap ni Duterte si PM Mahathir matapos manalo ito sa nakaraang eleksyon at tinalo si dating PM Najib Razak.

Show comments